Mga Kabuuang Pageview
Biyernes, Oktubre 10, 2014
Ang Kwento ni Maria Cacao
Noong unang panahon, sa bansang Indonesia may isang diwata at ang
pangalan niya ay Maria. Si Maria ay isang magandang dalagang negosyante
at nag mamay-ari ng pabrika ng tsokolate at mayroon rin siyang barko.
Isa sa mga pangunahing sangkap ng kanyang tsokolate ay ang tableya, ang
tableya ay mula sa boto ng cacao na siyang niluluto, binayo at giniling.
Isang araw ay naubosan si Maria ng tableya, kahit saan man siya
maghanap ng sangkap sa kanilang lugar ay wala ito. Narinig niya na sa
bansang Pilipinas ay ang pangunahing produkto doon ay bukod sa niyog ay
ang cacao, kaya napagpasyahan niya na pupunta sa pilipinas. Dumating si
Maria sa Pilippinas ngunit sa nakikita ng mga tao ay matanda ito. Sa
kabila ng lahat, ay walang ka malay-malay ang mga tao na si Maria ay isa
palang diwata. Nagpapakilala ang matanda sa mga tao. Ako pala si Maria
na nang gagaling sa bansang Indonesia nandito po ako upang maghanap at
bumili ng cacao, matanong ko lang kung saan mayroong nagbebenta dito ng
cacao? sagot ng karamihan ay makakabili ka lamang ng cacao sa bundok ng
Tagugpo at Kamaroyan tiyak maraming nag bebenta ng cacao doon at
pagkatapos noon ay biglang naglaho ang matanda. Kinagabihan ay umuulan at
lumaki ang ilog ng Sumlog. Malapit sa ilog ay may mga nakatira doon, nagtataka sila kung bakit ganoon kadali lumaki at bumaha ang ilog
samantalang napakahina lamang ng ulan. Ilang oras at minuto ang nakaraan
ay nagsipag tanaw sa bentana ang mga tao na nakatira malapit sa ilog
dahil na dinig nila ang bosena ng barko, nang pagtingin nila sa ilog ay
napakaliwanag nito at nakikita nila ang napakalaking barko na
sumosulong sa tubig papunta sa bundok. Nakikita rin nila ang magandang
babae sakay sa barko, nanginginig sila at namumutla sa takot sa kanilang
na saksihan. Kinaumagahan ay malaking pagtataka ng karamihan ng nakita
nilang putol na ang tulay ng sumlog. Ang usap-usapan ay dumaan ang
barko ni Maria kagabi papunta sa bundok upang bumili ng cacao. kaya si
Maria ay pinangalanang "Maria Cacao".
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)