Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Oktubre 10, 2014

Ang Kwento ni Maria Cacao

Noong unang panahon, sa bansang Indonesia may isang diwata at ang pangalan niya ay Maria. Si Maria ay isang magandang dalagang negosyante at nag mamay-ari ng pabrika ng tsokolate at mayroon rin siyang barko. Isa sa mga pangunahing sangkap ng kanyang tsokolate ay ang tableya, ang tableya ay mula sa boto ng cacao na siyang niluluto, binayo at giniling. Isang araw ay naubosan si Maria ng tableya, kahit saan man siya maghanap ng sangkap sa kanilang lugar ay wala ito. Narinig niya na sa bansang Pilipinas ay ang pangunahing produkto doon ay bukod sa niyog ay ang cacao, kaya napagpasyahan niya na pupunta sa pilipinas. Dumating si Maria sa Pilippinas ngunit sa nakikita ng mga tao ay matanda ito. Sa kabila ng lahat, ay walang ka malay-malay ang mga tao na si Maria ay isa palang diwata. Nagpapakilala ang matanda sa mga tao. Ako pala si Maria na nang gagaling sa bansang Indonesia nandito po ako upang maghanap at bumili ng cacao, matanong ko lang kung saan mayroong nagbebenta dito ng cacao? sagot ng karamihan ay makakabili  ka lamang ng cacao sa bundok ng Tagugpo at Kamaroyan tiyak maraming nag bebenta ng cacao doon at pagkatapos noon ay biglang naglaho ang matanda. Kinagabihan ay umuulan at lumaki ang ilog ng Sumlog. Malapit sa ilog ay may mga nakatira doon,  nagtataka sila kung bakit ganoon kadali lumaki at bumaha ang ilog samantalang napakahina lamang ng ulan. Ilang oras at minuto ang nakaraan ay nagsipag tanaw sa bentana ang mga tao na nakatira malapit sa ilog dahil na dinig nila ang bosena ng barko, nang pagtingin nila sa ilog ay napakaliwanag nito at nakikita nila ang napakalaking barko na sumosulong sa tubig papunta sa bundok. Nakikita rin nila ang magandang babae sakay sa barko, nanginginig sila at namumutla sa takot sa kanilang na saksihan. Kinaumagahan ay malaking pagtataka ng karamihan ng nakita nilang putol na ang tulay ng sumlog. Ang usap-usapan ay dumaan ang barko ni Maria kagabi papunta sa bundok upang bumili ng cacao. kaya si Maria ay pinangalanang "Maria Cacao".

16 (na) komento: