May isang probinsyanong bata na nagngangalang Alfred, kilala siya sa palayaw na Al. Siya ay anak sa isang mahirap na pamilya sa isang probinsya. Mahirap lamang pagkat may mga araw na hindi siya kumakain pagkat walang sapat na kita ang kanyang mga magulang. Magsasaka ang kanyang magulang, kaya pag walang ani ay hirap makabili ng pagkain o lulutuin. Kaya minsan isang beses, isang-araw lang siya kumakain at maypanahon naman na tiis gutom dahil walang makain.
Si Al ay isang masipag na bata, masgugustuhin
pa niyang magtatrabaho kesa pumasok sa paaralan, upang makatulong sa kanyang
magulang. Nag-uuling siya, naglalako ng kakanin, nagcocopra, nagaani ng palay
at kung ano pang pwede pagkakitaan sa probinsya. Hirap nga sa buhay si Al
subalit hindi ito hadlang para sa kanya na tumawa. Siya ay masayahing bata
dahil madali lang siyang mapapatawa sa kahit sinong tao na nagbibiro sa kanya.
Isang araw kinuha siya ng
kanyang tita at ipinasok sa trabaho ng isang bakery, naging balotero siya sa
panahong iyon. Mabait naman ang kanyang amo kaya hindi siya nagkakaroon ng
problema sa kanila. Hindi sapat ang kinikita niya noong unang linggo ng pasok
niya sa trabaho, pagkat naninibago siya sa trabahong iyon ay mabagal pa siya
magbalot ng tinapay. Sumasahod lamang siya ng anim (6) na piso sa unang linggo.
Sa sobrang sipag ni Al ay halos hindi na siya natutulog, mas lalo pa siyang nagsisipag
noong mga panahong iyon…nag file siya ng mga dadalhin ng mga delivery. Hanggang
sa pumasok na siya sa pagdedeliver ng tinapay sa mga tindahan sa kabilang barangay.
Kinukumpuni niya ang isang
bisikleta na sira, natatanggal ang kadena, at flat na gulong. Kahit hindi pa
masyado maayos ay nilagyan na niya ito ng basket sa likuran upang doon ilagay ang
mga tinapay para sa kanyang pagdedeliver. Oo kumikita na nga siya sa panahong
iyon, subalit pagod ng katawan at puyat naman ang kapalit. Pumapasok siya sa
trabaho alas-tres ng hapon (3pm) at natatapos alas kwartro kinaumagahan (4am), pagkatapos
ng trabaho niya ay nag aayos naman siya ng kanyang mga dadalhin na tinapay sa
pagdedeliver. Umaalis siya alas-kwatro y medya (4:30 am) at nakakauwi siya pabalik
sa bakery ng alas-dyes (10 am) kumakain at matutulog. Sobrang bait niya dahil
pag may sobra sa ipinapadala niyang pera sa kanyang pamilya ay pinapahiram niya
ito sa mga kilala niyang nangangailangan. Kahit kaunti lang ang kita ay
namimigay din siya ng tinapay lalong-lalo na sa matandang madadaanan niya
palage tuwing nagdedeliver siya. Tinitiis niya ang pagod, puyat at sirang
bisiklita. Kitangkita sa kanyang mga mata ang lungkot at pag-alala sa kanyang
pamilya sa probinsya.
Hanggang sa dumating ang
araw na humina ang kanilang bakery dahil sa krisis. Kinakailangan magbawas ng
tauhan at isa si Al doon ang nawalan ng trabaho. Pasko pa naman iyon, pero ayos
narin para sa kanya, sa tagal na niyang nagtatrabaho at hindi umuuwi sa
probinsya. Masaya si Al at sabik narin makauwi, bumili siya ng mga pasalubong
para sa pamilya, isang tarong biskwit (biscuit) at damit sa kapatid. Tumawag siya
sa kanyang magulang at pinapaalam na umuwi siya sa araw na iyon. Masaya naman
ang kanyang magulang na naghihintay sa kanya. Nakarating si Al sa kanila at
masayang kasama ang kanyang pamilya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento